5 airport police na sangkot sa overpriced fare modus, sinibak sa puwesto

Tinanggal na sa puwesto ang limang airport police na isinangkot ni Felix Mandanas sa overpriced fare modus.

Ayon kay Department of Transportation o DoTr Sec. Vince Dizon, kagabi nang tanggalin ang mga ito sa puwesto at kinuha na rin pati ang mga isyu sa kanilang baril.

Ani ni Dizon, maiging suspendehin muna ang mga sangkot na airport police habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nag-ugat ang isyu sa naging viral video sa social media na naniningil nang sobrang taas na pasahe sa NAIA ang nasabing taxi driver.

Kasunod nito, isiniwalat mismo ni Mandanas ang modus ng mga airport police kay DOTr Sec. Vince Dizon.

Facebook Comments