Ilan pang taxi driver, magsisiwalat din sa nalalamang katiwalian ng mga airport police sa NAIA — DOTr

Posibleng magsiwalat din ang ilan pang taxi driver tungkol sa nalalamang katiwalian ng mga airport police na nakatalaga sa NAIA.

Kasunod na rin ito ng pagsisiwalat ni Felix Mandanas ng overpriced fare modus na kagagawan ng mga airport police.

Sa panayam ng RMN DZXL News kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon, sinabi mismo ni Felix na mayroon pang gustong tumestigo.

Una nang naging viral sa social media si Felix matapos maningil ng sobrang mahal sa isang pasahero.

Ayon kay Dizon, nagagawa lamang ito ng mga taxi driver dahil sa modus ng mga airport personnel na kailangang mabigyan sila ng 40% na kita.

Sa sandali kasi aniyang hindi sumunod ang mga taxi driver ay huhuliin sila ng mga airport police.

Facebook Comments