
Nakapagtala ang lokal na pamahalan ng Maynila ng limang aktibong kaso ng leptospirosis sa lungsod.
Ayon sa Manila LGU, ito ay batay sa pinakahuling tala hanggang ngayong Huwebes kung saan umabot naman sa 134 ang kabuuang kaso mula nang pumasok ang taon.
Bukod sa Leptospirosis, may naitala rin na 2,222 na kabuuang kaso ng dengue kung saan 9 ang kasalukuyang sumasailalim sa gamutan.
904 naman ang kaso ng Influenza-like Illness habang tatlo ang aktibo.
Habang walang bagong tinamaan ng cholera at typhoid fever sa mga nakalipas na araw.
Samantala, kasalukuyang nakakaranas ng mahinang pag-ulan sa Maynila pero wala pang mga kalsada ang napaulat na lubog sa baha.
Tuloy-tuloy din ang declogging operations ng mga tauhan ng Department of Engineering and Public Works habang 280 naman na sako ng basura ang nahakot sa Baseco Beach sa isinagawang clean-up operation.










