5 kabilang ang Vice Mayor ng Aparri, Cagayan; patay sa ambush

Lima ang patay kabilang ang bise alkalde ng Aparri, Cagayan nang tambangan ang kanilang sinasakyang van sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Nueva Vizcaya Police Information Officer Maj. Jolly Villar, nangyari ang pananambang kina vice mayor rommel alameda alas-8:45 ng umaga ngayong linggo.

Binabaybay ng kanilang sasakyan ang high way sa Barangay Baretbet nang harangin ng mga suspek ang kalsada gamit ang barikada.


Nagpanggap umano bilang mga pulis ang mga salarin para palabasin na may lehitimong chekpoint pero dito na pinagbabaril ang bise alkalde.

Kabilang sa nasawi ang driver ni Alameda at apat pang sakay.

Patuloy naman ang pagtugis sa mga salarin at iniimbestigahan na rin ang motibo ng pananambang.

Facebook Comments