5 LGUs, na sinalanta ng Bagyong Florita, nakatanggap na ng augmentation mula sa DSWD

Nahatiran na ng augmentation support at tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 ang limang local government units ng Cagayan at Isabela.

Kabilang sa nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Baggao, Gattaran, Iguig at Lallo sa Lalawigan ng Cagayan at Maconacon sa Isabela na lubhang naapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Florita

May kabuuang 4,145 family food packs at 745 non-food items ang ipinamigay para sa mga apektadong mga pamilya at indibidwal.


Sa ngayon, mayroon pang 21,874 available na family food packs at 5,010 non-food items ang Departamento na handang ipamahagi sa iba pang nangangailangang LGU.

Nasa alert status pa rin ang DSWD FO2 habang patuloy na binabantayan ang kalagayan ng mga apektadong pamilya

Facebook Comments