Saturday, October 24, 2026

Mga nasa likod ng idineklarang unconstitutional na probisyon sa budget, dapat mapanagot ayon sa isang senador

Umapela si Senator Ping Lacson na habulin ang mga nangabuso sa pambansang pondo.

Ito’y kaugnay pa rin sa pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon ng 2024, 2025 at 2026 national budget.

Ayon kay Lacson, kailangang habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng maling paggamit ng pondo.

Idiniin ni Lacson na wala pa siya sa Senado noon ay nanawagan na siya laban sa biglang paglobo ng unprogrammed appropriations na nangyari noong 2024-2025 budget.

Sinabi rin noon ni Lacson ang nasabing taon ang “worst budget” kahit pa itapat ito sa 2013 Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ring unconstitutional noon ng Korte Suprema.

Samantala, ikinukunsidera aniya ng Senado na bawasan ng P2 billion ang panukalang 2027 budget sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para magsilbing halimbawa ng disiplina sa pananalapi ng Kamara matapos na dagdagan ng mababang kapulungan ng P5 billion ang pondo.

Facebook Comments