
Naniniwala si Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, na posibleng may pananagutan hinggil sa unprogrammed funds sa pambansang budget sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na syang chairman noon ng appropriations committee at dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na vice chairperson ng komite.
Sinabi ito ni Erice makaraang ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang unprogrammed funds sa national budget noong 2024 at 2025 hanggang 2026.
Ipinunto ni Erice na ang unprogrammed funds ang pinagkunan ng pondo para sa maanumalyang flood control projects at iba pang mga proyekto.
Naniniwala si Erice na hindi mangyayari ang unprogrammed appropriations kung hindi magkakasundo ang House Speaker, chairperson at vice chairperson ng House Committee on Appropriations.










