5 pulis-Maynila na nangikil sa isang computer shop sa Sampaloc, sasampahan na ng kaso sa piskalya

Magsasampa na ng kasong robbery at extortion sa piskalya ang Manila Police District (MPD) laban sa limang pulis-Maynila na nangikil sa isang computer shop sa Sampaloc.

Ayon kay MPD Director PBGen. Andre Dizon, kinukumpleto na lamang ang mga ebidensyang gagamitin laban sa mga naturang pulis.

Dagdag pa ni Dizon, naihain na kahapon ang hiwalay na reklamong administratibo sa internal affairs ng Philippine National Police (PNP).


Kaugnay nito, sinabi ni Dizon na muling isasailalim sa training at orientation ang halos 20 pulis na nakatalaga sa District Police Intelligence Operations Unit na kabilang sa mga na-relieve sa pwesto dahil sa limang kasama nilang pulis.

Facebook Comments