
May probable cause ang korte sa tatlong kaso ng grave threats na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court.
Yan ang kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag sa News Forum ngayong Sabado, Sept. 5.
Binigyang diin ni Matibag na pumasa sa standard ng Department of Justice ang nasabing kaso bago ihain sa korte at nakitaan pa umano ng certainty of conviction.
Gayunpaman, nasa kamay na umano ng hukuman ang magiging resulta ng kaso, base sa ilalatag na ebidensya ng complainant at respondent.
Facebook Comments










