
Pinabibilisan ng Malacañang ang paggamit ng pondo ng gobyerno sa pagpapatupad ng malalaking proyekto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang assessment meeting kasama ang Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DOE), at Department of Budget and Management (DBM).
Sentro ng pulong ang mababang utilization ng ilang ahensya kahit nakapaglabas na ang pamahalaan ng P1.287 trillion para sa second quarter budget.
Ayon kay Recto, kailangang mapabilis ang mga proyekto at serbisyo para agad maramdaman ng publiko ang benepisyo ng pondo ng gobyerno.
Pinag-usapan din ang pagpapadali ng bidding at procurement process para maiwasan ang delay sa mga proyekto nang hindi nalalabag ang batas.
Utos din umano ni Pangulong Marcos na unahin ang mga programang may direktang epekto sa trabaho, presyo ng bilihin, pagkain, at paglago ng ekonomiya.
Kasama rin sa pulong ang “UPLIFT” program ng gobyerno bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.










