Saturday, May 16, 2026

DA may payo sa mga magsasakang posibleng maapektuhan ng El Niño mula hunyo hanggang Agosto

Inirekomenda ngayon ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsasaka dahil sa posibilidad na mabuo ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto.

Ayon sa DA, bilang paghahanda at dapat gumamit ang mga magsasaka ng drought-tolerant seeds, pagtatanim ng short-gestation crops at water-saving methods tulad ng rainwater harvesting.

Sa pamamagitan nito ay maiibsan ang epekto ng El Niño phenomenon na batay sa pagtaya ng Pagasa ay may 79% na maramdaman sa pagitan ng buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Posible umanong maramdaman ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Samantala, pinayuhan naman ang mga mangingisda na bantayan ang kalidad ng tubig at kondisyon ng mga palaisdaan para maiwasan ang pagkalugi.

Facebook Comments