Umabot sa 50 preschooler beneficiaries ang nakinabang sa 120-Day Feeding Program ng Pamahalaang Lungsod ng Urdaneta sa culmination program na isinagawa noong Agosto 27, 2026, bilang bahagi ng Breastfeeding Awareness Month.
Sa loob ng 120 araw, tinutukan ng programa ang nutrisyon ng mga batang preschooler. Tampok sa aktibidad ang talakayan tungkol sa basic nutrition mula pagsilang hanggang limang taong gulang, kabilang ang exclusive breastfeeding at complementary feeding.
Kasabay nito, isinailalim ang mga benepisyaryo sa medical check-up at dental check-up, gayundin sa fluoride application.
Samantala, umabot naman sa 34 barangay ang saklaw ng isinagawang Food Demonstration at Nutrition Learning Session sa hapon para sa mga miyembro ng Breastfeeding and Nutrition Support Groups at ng BNS Federation.
Binigyang-diin sa sesyon ang kahalagahan ng First 1,000 Days of Life at ang 10 KUMAINMENTS bilang gabay sa wastong nutrisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










