
Naka-preposition na ang karagdagang relief supplies ng Departmen of Social Welfare and Development Field Office 3 (DWSD – FO) – Central Luzon para sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan.
Partikukar na ang mga residente ng Brgy. Santa Fe, San Marcelino, Zambales.
Kabuuang 1,000 family food packs (FFPs) at 1,000 family kits ang inihanda at kasalukuyang nakaposisyon sa Brgy. Laoag, San Marcelino.
Bagama’t pansamantalang ipinagpaliban ang paghahatid dahil sa masamang panahon at mabilis na pagtaas ng tubig sa ilog, nakahanda na ang mga ito at tiyak na maipapamahagi sa mga pamilyang nangangailangan.
Tiniyak ng DSWD na sa sandaling maging ligtas ang pagbiyahe ay agad itong ipapadala sa mga apektadong pamilya.
Siniguro rin ng DSWD na patuloy ang kanilang paghahanda at pagtugon sa kalamidad para matiyak ang ligtas, maagap at maayos na paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.










