Rumesponde ang mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company sa nasirang bahagi ng isang dike sa Barangay Legaspi, Tayug, kasunod ng masamang panahon dulot ng Habagat noong August 30, 2026.
Agad silang nagbigay ng police assistance sa lugar upang mapanatili ang seguridad at maiwasan ang mga posibleng aksidente.
Tumulong din ang mga pulis sa maayos na paggalaw ng mga residente sa apektadong lugar at nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang matugunan ang sitwasyon at mabawasan ang karagdagang panganib mula sa nasirang dike.
Naging bahagi ito ng agarang pagtugon ng mga awtoridad sa mga lugar na naapektuhan ng masamang panahon sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











