HUNDRED ISLANDS JOB FAIR, MULING IDARAOS SA ALAMINOS CITY SA SETYEMBRE 18

Idaraos muli sa Alaminos City ang Hundred Islands Job Fair sa Setyembre 18 kasama ang One-Stop-Shop Government Services.

Batay sa ulat, gaganapin ang aktibidad mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Magkakaroon ang mga jobseeker ng access sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan na may kaugnayan sa employment at mga kinakailangang dokumento sa pag-aapply.

Matatandaang noong Disyembre 11, 2025 ay isinagawa ang kaparehong Hundred Islands Job Fair sa Don Leopoldo Sison Convention Center. Nagkaroon din ng Independence Day Job Fair na ginanap sa Alaminos City noong Hunyo 12, 2025, 93 jobseekers ang na-hire on the spot.

Pangungunahan ang aktibidad ng City Government of Alaminos sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Migrant Workers (DMW). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments