Thursday, August 27, 2026

Naitalang kaso ng dengue at leptospirosis, bahagyang bumaba sa Maynila

Kumpara kahapon na nasa 89 ang naitalang kaso, nasa 45 na residente ng Maynila ang tinamaan ng leptospirosis ngayong araw.

Dahil dito, umaabot na sa 401 ang naitalang kaso ng nasabing sakit mula Jan. 1 hanggang Aug. 27, 2026.

Bagama’t bahagyang bumaba, nasa 4 naman na indibidwal ang namatay sa nasabing sakit kaya’t nasa 21 na ang kabuuang bilang nito.

Nadagdagan naman ng 33 indibidwal na residente sa lungsod ang naitalang may dengue kaya’t nasa 2,447 ang kabuuang bilang nito at isa rin ang nasawi nitong nakaraang araw.

Sa datos pa ng Manila Health Department (MHD), nasa 27 residente sa lungsod ang nadagdag sa bilang ng kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) kaya’t nasa 1,083 na Manileño ang nagkakasakit nito.

Muli namang payo ng Department of Health (DOH) sa mga lumusong sa baha na magpakonsulta muna bago uminom ng doxycycline upang malaman kung ilang beses ito maaaring inumin.

Facebook Comments