55 winning party-list groups, ipo-proklama na mamaya

426

Nasa 55 winning party-list groups ang ipo-proklama ng Commission on Elections ngayong araw.

Isasagawa ang proklamasyon mamayang alas-4 ng hapon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan isinagawa ang canvassing ng mga boto.

Kabilang sa mga nanguna sa halalan ay ang ACT-CIS, 1-Rider party-list, Tingog, 4PS, Ako Bicol at Sagip.


Sa ilalim ng batas, ang party-list group na makakakuha ng at least 2% ng kabuuang bilang ng mga boto ay mabibigyan ng isang puwesto sa Kamara habang karagdagang puwesto kung lalampas sa 2%.

Maaari pa rin namang maka-secure ng puwesto ang mga party-list na hindi umabot ng 2% dahil inaatas din ng batas na dapat manggaling sa party-list ranks ang 20% ng mga miyembro ng House of Representatives.

Facebook Comments