Hindi pagdeklara ni VP Duterte sa SALN ng dalawang ari-arian, malaking bagay para sa mamamayang Pilipino

Malaking bagay para sa mamamayang Pilipino ang hindi pagdeklara ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng dalawang ari-arian na nakapangalan sa kanyang mister na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay House prosecutor at Bukidnon Rep, Jonathan Keith Flores, maliit na halaga man para sa iba ang P9.45 million na kabuuang presyo ng nabanggit na mga properties ay malaking bagay ito para sa taumbayan.

Mensahe ito ni Flores makaraang lumabas sa impeachment trial kahapon na wala sa SALN ni VP Sara ang P6-milyong na 379-square-meter property sa Matina, Davao City gayundin ang P3.45 million na property sa Samal.

Ang pagpresenta sa mga testigo at dokumento sa impeachment trial kaugnay sa nabanggit na mga ari-arian ay bahagi ng mga ebidensya ng prosekusyon para sa ikalawang article of impeachment patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.

Facebook Comments