
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkaroon ng close encounter ang kanilang aircraft sa 2 Chinese Military Aircraft habang nagsasagawa ng maritime patrol sa paligid ng Bajo De Masinloc nitong October 3, Sabado.
Ayon sa AFP, makailang ulit na nagmaniobra palibot ang nasabing mga Chinese Aircract malapit sa aircraft ng Pilipinas na nagdulot ng panganib sa nasabing sasakyang panghimpapawid ng bansa.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy nilang idodokumento at i-e-expose ang nasabing aksyon ng China na nagdulot ng panganib sa mga tauhan nito.
Binigyang-diin naman ng AFP na patuloy silang magiging propesyonal at kikilos ng buong pag-iingat base sa umiiral na aviation procedures.
Ligtas naman naisagawa ng aircraft ng AFP ang maritime patrol nito sa nasabing lugar at nakabalik nang wala nang iba pang insidente .
Sa kabila ng nangyari na ito, ay tiniyak ng AFP na patuloy silang magsasagawa ng regular na maritime at air patrol sa West Philippine Sea (WPS).










