Ang pagguho ng lupa ay bunsod ng patuloy na pag-ulan noong Agosto dahil sa Habagat, na nagdulot ng paglambot ng lupa at panganib sa nasabing bahagi ng kalsada.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Municipal Tourism, Culture and the Arts Office (MTCAO), at Human Resource Management Office (HRMO).
Sa sama-samang pagkilos, nakapagsilid at nakapag-imbak ang mga kalahok ng 550 sako ng lupa o sandbags, na magsisilbing harang at karagdagang proteksiyon sa bahaging naapektuhan ng pagguho.
Isinagawa rin ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month at 126th Civil Service Anniversary, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng serbisyo publiko at bayanihan sa panahon ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







