17 TAONG GULANG NA BABAE, NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY

74
Patay ang isang 17 anyos na babae matapos itong magbigti sa ilalim ng tulay sa Barangay Bactad, Urdaneta City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, umuwi ang biktima sa kanilang tahanan matapos itong maglaro ng tong-its.
Dito na nagkaroon nang pagtatalo ang biktima at ang kanyang kinakasama na 20 anyos lamang.

Matapos ang pagtatalo lumabas ang biktima at hindi na nakabalik pa.
Dito na nagdesisyon ang kanyang partner na hanapin ito at tumambad sa kanya ang nakasabit na katawan ng biktima sa ilalim tulay.
Isinugod pa sa hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Dagdag pa ng awtoridad, dumaranas din ng depresyon ang biktima.
Nakita sa pinangyarihan ng insidente ang 1.5 meter na tali na ginamit ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal. | ifmnews
Facebook Comments