Sa pinakahuling pagbaha, iniulat na umabot sa lampas-tao ang lalim ng tubig sa ilang bahagi ng paaralan, habang halos kalahati ng mga gusali nito ang naapektuhan.
Dahil dito, nalagay sa panganib at nasira ang ilang kagamitan na ginagamit sa pag-aaral, kabilang ang mga pisara, instructional materials, teaching equipment at iba pang school supplies.
Maging ang ilang kagamitang naitaas at nailigtas mula sa mga naunang pagbaha ay muli ring nanganganib na masira habang nananatiling mataas ang tubig sa lugar.
Hindi lamang paaralan ang apektado. Ilang kabahayan sa Barangay Lasip, kabilang ang mga tahanan ng mga mag-aaral, ay nakaranas din ng pagbaha.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng pamunuan ng paaralan sa barangay at lokal na pamahalaan para sa kinakailangang paglilinis at iba pang tulong sa oras na humupa ang tubig.
Dahil sa paulit-ulit na pagbaha, muling lumilitaw ang hamon kung paano mapoprotektahan ang mga pasilidad, kagamitan at pagpapatuloy ng edukasyon sa mga paaralang matagal nang lantad sa pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






