
Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office o LTO ang legality ng dalawang Toyota Fortuner SUV, na naaktuhang gumagamit ng pekeng plaka ng LTO at Armed Forces of the Philippines (AFP), blinkers, wang wang, at sticker na may pangalan ng isang myembro ng Kongreso.
Paliwanag ni LTO Chief Asssistant Secretary Markus Lacanilao, posibleng nakaw o may utang sa bangko ang sasakyang gumagamit ng pekeng induction sticker.
Dagdag pa rito, sinisilip rin umano ng ahensya ang posibilidad na konektado ang mga suspek sa naunang insidente ng pamemeke ng plaka ng Kongreso.
Sa ngayon, initial violation pa lang ang kinakaharap ng mga sangkot, partikular ang tampering ng plaka, pekeng induction sticker, at iligal na paggamit ng blinker at wang wang; pero sininisilip rin umano sa mas malalim na imbestigasyon ng ahensha ang iba pang paglabag at modus ng mga sangkot.










