Friday, July 10, 2026

Sandiganbayan, hihintayin na gumaling ang pnuemonia ni Sen. Marcoleta bago muling papuntahin sa Sandiganbayan

Fit to travel at fit to appear na umano si Senator Rodante Marcoleta para harapin ang mga kaso sa Sandiganbayan, gayunpaman ay kailangan umano nitong mag-suot ng face mask dahil sa pnuemonia.

‘Yan ang pahayag ni Police Liutenant Colonel Benaly Bayani, chief ng PNP-Health Service General Hospital sa pagdinig ng kalagayan ng kalusugan at custody status ng senador.

Gayunpaman, inirerekomenda umano ng PNP-Health Service General Hospital na i-isolate muna ang senador hangga’t maubos ang antibiotics na iniinom para sa pneumonia hanggang July 15 para hindi makahawa ng iba.

Dahil dito, kinuwestyon ng korte kung bakit pinayagan si Senator Robin Padilla at Vice President Sara Duterte gayong kailangan pala ng senador na i-isolate.

Gayunpaman, hindi ito masagot ni Police Liutenant Colonel Bayani, dahil nung dumating umano siya ay nasa loob na ang nasabing bisita, at dahil Criminal Investigation and Detension Group (CIDG) din umano ang may kontrol sa kung sino-sino at kung kailan pwedeng magpapasok ng bisita para sa senador.

Gayunpaman, inamin naman ni Police Brigadier General Portia Manalad, director ng PNP Health Service, na lapses umano sa kanilang trabaho ang makalimutang ipaalala sa mga bibisita sa senador na magsuot ng face mask.

Sa kabilang banda, ipinag-utos naman ng Sandiganbayan sa PNP-Health Service General Hospital na magsumite ng notaryadong medical report o status ng kalusugan ng senador araw-araw hanggang sa maging maayos na ang kalagayan nito.

Samantala, ipapaalam naman umano ng Sandiganbayan sa Kongreso, Department of Justice (DOJ), at sa Department of Budget and Management (DBM) ang tungkol sa karagdagang sasakyan na kakailanganin ng Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) sakaling ibigay sa kanila ang kustodiya ng senador, na nangangailangan ng iba’t ibang serbisyong medikal.

Facebook Comments