60 WANTED PERSON SA REHIYON UNO, HULI ILALIM NG MANHUNT OPERATIONS

Umabot sa 60 wanted person ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa isinagawang intelligence-driven manhunt operations sa buong Ilocos Region mula Hulyo 8 hanggang 14, 2026.

Kabilang sa mga naaresto ang 12 Most Wanted Person (MWP) at 48 Other Wanted Person (OWP). Sa hanay ng mga most wanted, tatlo ang nasa regional level, dalawa ang provincial level, tatlo ang city level, at apat ang municipal level.

Ayon sa PRO 1, bahagi ito ng patuloy na kampanya ng kapulisan upang matunton at madakip ang mga indibidwal na may kinakaharap na kasong kriminal at matiyak ang kanilang pagharap sa korte.

Pinuri naman ni PRO 1 Regional Director PBGen Jovencio S. Badua Jr. ang mga operating units dahil sa kanilang pagtutulungan at dedikasyon sa pagpapatupad ng batas.

Binigyang-diin ng opisyal na ang naturang tagumpay ay bunga ng pinaigting na intelligence operations, koordinasyon ng iba’t ibang yunit, at pagpapatupad ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework ng PRO 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments