
Iminungkahi ni Vice President Sara Duterte ang pagkakaroon ng psychosocial wellness program sa loob ng mga paaralan.
Kasunod na rin ito ng pagbisita ng bise presidente ngayong Miyerkules sa mga estudyanteng nasugatan sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.
Sinabi ni VP Sara na maliban sa anti-bullying program sa loob ng mga paaralan, dapat ay mayroon ding monitoring sa mga estudyante maging ng mga school personnel.
Mahalaga aniyang malaman kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, narrative, at counseling.
Dagdag ng pangalawang pangulo, layunin ng kanyang pagbisita na alamin kung paano makatutulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga paaralan para sa paghahanda sa mga sakuna.
Kung maalala, dalawang estudyante ang nasawi sa naturang pamamaril na nangyari kahapon.










