Sa gitna ng kalamidad, hindi lamang mga tao ang nangangailangan ng tulong. Pati ang mga alagang hayop na umaasa sa kanilang mga tagapag-alaga ay nangangailangan din ng pagkain, kalinga at malasakit.
Ito ang naging layunin ng Pawsitive Action 2.0, kung saan daan-daang youth volunteers ang naglibot sa walong barangay sa Calasiao upang maghatid ng pagkain para sa mga aso at pusa.
Sa loob lamang ng dalawang araw, mahigit 500 aso at pusa ang napakain, habang umabot naman sa 56 kilo ng dog at cat food ang naipamahagi sa mga lugar na kanilang pinuntahan.
Bitbit ang panawagang “No Pets Left Behind,” tiniyak ng mga kabataan na maging ang mga hayop ay hindi maiiwan sa panahon ng sakuna. Sa simpleng pagbabahagi ng pagkain, naipakita nila na ang pagtulong ay walang pinipiling anyo o nilalang.
Sa panahon ng kalamidad, ang malasakit ay hindi nagtatapos sa pagtulong sa kapwa. Kasama rin dito ang pagprotekta at pag-aaruga sa mga hayop na, tulad ng tao, ay nangangailangan ng pagkalinga upang makaligtas at makabangon.
Sa pamamagitan ng Pawsitive Action 2.0, pinatunayan ng mga kabataan ng Calasiao na sa gitna ng anumang pagsubok, walang alagang hayop ang dapat maiwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments