Ipinagkaloob ang mga bangkang pangisda na may habang 62 talampakan sa mga benepisyaryong mangingisda sa mga bayan ng Pasuquin at Pagudpud sa Ilocos Norte upang suportahan ang kanilang mga gawain at palakasin ang kanilang kabuhayan.
Isinagawa ang pagpapala at opisyal na pagturnover ng mga bangka noong October 16, 2026, kung saan binigyang-diin ni ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 Regional Director Remely B. Lachica ang kahalagahan ng tamang paggamit, pag-iingat at pagmementina sa mga bangka bilang mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at kanilang pamilya.
Hinikayat din ni Lachica ang mga benepisyaryo na panatilihin ang pagkakaisa, responsableng pamamahala at paggalang sa loob ng kanilang mga samahan upang matiyak ang maayos na pagpapatakbo at paggamit ng mga ipinagkaloob na bangka.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Pagudpud Mayor Rafael Ralph Benemerito II sa tulong na ipinagkaloob ng BFAR sa mga mangingisda ng kanilang bayan.
Umaasa rin siya na magpapatuloy ang ganitong suporta dahil malaking bahagi ng kanilang kabuhayan ang pangisda.
Tiniyak naman ni Pasuquin Mayor Robert Aguinaldo ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga gawain ng mga mangingisda at sa buong komunidad ng mga ito.
Tiniyak naman ni Pasuquin Mayor Robert Aguinaldo ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga gawain ng mga mangingisda at sa buong komunidad ng mga ito.
Dumalo rin sa aktibidad ang kinatawan ni Governor Cecilia Araneta Marcos, kasama ang mga pinuno ng kooperatiba ng mga mangingisda, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










