Natagpuan ang isang inaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa gitna ng isang palayan sa Sitio Cuarenta, Barangay Diaz, Bautista, Pangasinan noong Oktubre 15, 2026.
Ayon kay PLCPT Jerwin Cabreros, OIC ng PNP-Bautista, ipinaalam sa kanilang tanggapan ng isang barangay kagawad mula sa Barangay Pogo ang pagkakatuklas ng bangkay.
Natuklasan umano ito ng isang rice harvester operator habang ito’y nasa palayan bandang 1:30 ng hapon.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at natagpuan ang bangkay ng lalaki na halos hindi na makilala dahil sa matinding pagkaagnas.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at natagpuan ang bangkay ng lalaki na halos hindi na makilala dahil sa matinding pagkaagnas.
Sa parehong araw, dumating sa PNP-Bautista ang isang pamilya, kasama ang mga opisyal ng pulisya mula sa Tarlac City, upang alamin at magbakasaling ito ang katawan ng huling nawawala na si Paul Harvey Collado matapos ang insidente sa Agana Bridge sa Tarlac.
Isinailalim sa DNA comparison ang bangkay upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Inaasahang lalabas ang resulta pagkaraan ng humigit-kumulang 30 araw.
Inaasahang lalabas ang resulta pagkaraan ng humigit-kumulang 30 araw.
Samantala, ayon kay Policarpio Ramos, chief tanod ng Barangay Cuarenta, umabot umano sa leeg ang baha sa lugar noong kasagsagan ng bagyo at habagat.
Sa kasalukuyan, nasa isang punerarya sa bayan ng Bayambang ang bangkay habang hinihintay ang resulta ng DNA test at ang kalalabasan ng imbestigasyon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










