67% ng ERs at COCs, na-itransmit na sa Senado

59

Na-itransmit sa Senado ang nasa 67% na Election Returns (ERs) at Certificate of Canvass (COCs).

Ayon sa Senate Information and Public Relations Bureau, natanggap na nito ang COCs mula 21 na lugar sa bansa gayundin ang mga boto mula sa Taiwan, Qatar, Bahrain, Singapore, London, Thailand, Canada, at Persons Deprived of Liberty (PDL).

Nauna na ring dumating sa Senado noong Sabado ang 88 pang ERs at COCs galing sa 38 na lugar, Local Absentee Voting, at Overseas Absentee Voting.


Magsisimula sa Mayo 24 ang joint session para sa canvassing ng Kamara upang malaman ang susunod na magiging presidente at bise presidente ng bansa.

Facebook Comments