71 pantalan, tigil operasyon dahil sa Bagyong Goring; higit 200 pasahero, stranded!

Aabot sa 71 mga pantalan sa bansa ang tigil operasyon pa rin ngayong araw.

Base ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bunsod nang masamang lagay ng panahon dahil sa Bagyong Goring at habagat.

Partikular ang 71 pantalan sa Regions 2, 6, CALABARZON at MIMAROPA.


Kaugnay nito, stranded ang 234 na mga pasahero sa mga pier ng CALABARZON at Region 6.

Habang hindi pa rin pinayagang maglayag ang isang vessel at limang motorbancas.

Samantala, ilang domestic flights din ang kanselado dahil sa masamang lagay ng panahon.

Facebook Comments