Friday, August 28, 2026

Bumbero, sugatan matapos makuryente habang pumapatay ng sunog

Nagpapagaling na sa pagamutan ang 44-anyos na bumbero ng makuryente habang pumapatay ng sunog sa Muntinlupa City.

Kinilala ang bumbero na si Senior Fire Officer (SFO) 1 Ric Jayson Celis na magtamo ng electrical burn sa hindi natukoy na bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, sumiklab ang sunog dakong alas-10:40 ng gabi noong Miyerkules sa isang bahay sa East Kabulusan, East Service Road, Brgy. Cupang na itinaas sa unang alarma.

Mabilis namang nakapag-responde ang mga bumbero kayat kaagad na naapula ang apoy ng alals-11:46 ng gabi.

Apektado rito ang walong pamilya o 50 katao na agad namang tinulungan ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments