Wednesday, September 16, 2026

Korte Suprema, hinihikayat ang Kongreso na kumilos hinggil sa isyu ng Anti-Political Dynasty Law

Hinihikayat ng Korte Suprema ang Kongreso na gumawa ng hakbang o paglilinaw hinggil sa pagsasabatas ng usapin sa isyu ng Anti-Political Dynasty sa bansa.

Sa press conference ni SC Spokesperson Atty. Camille Ting, dapat ilahad ng Kongreso kung ano at ang depinisyon ng political dynasty.

Bukod dito, nararapat din na ang Kongreso ang maglabas ng ilang mga ipinagbabawal hinggil sa isyu ng political dynasty sa lalong madaling panahon.

Giit ni Atty. Ting, dapat gawin ng Kongreso ang kanilang mandato hinggil sa pagsasabatas ng anti-political dynasty upang matukoy ang mga dapat na mabago sa konstitusyon.

Nabatid na base sa desisyon ng Supreme Court en Banc, sinabi ni Atty. Ting na nakagawa ng grave abuse of discretion ang dalawang kapulungan dahil sa nabigo silang makagawa ng batas tungkol sa political dynasty.

Nabatid na inilabas ng Korte Suprema ang mga pahayag matapos ang ilang mga petisyon na kumukwestyon sa anti-political dynasty law.

Facebook Comments