Tuesday, September 15, 2026

Motion to inhibit ni VP Sara, ibinasura ng QC Court

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang motion to inhibit na inihain ng kampo ni Vice President Sara Duterte laban sa judge na humahawak ng kaniyang grave threats case.

Sa motion, hinihiling ng kampo ni Duterte na kusang umatras ang hukom sa pagdinig ng kaso dahil sa umano’y mga dahilan na maaaring makaapekto sa pagiging patas nito.

Gayunman, hindi ito pinagbigyan ng korte.

Ayon sa abogado ni Duterte na si Paul Lawrence Lim, gagamitin nila ang mga available na legal remedy kasunod ng desisyon.

Inatasan din ng korte ang magkabilang panig na mahigpit na sundin ang sub judice rule at iwasang talakayin sa publiko ang merito ng kaso.

Nahaharap si Duterte sa tatlong bilang ng grave threats kaugnay ng kaniyang mga pahayag laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments