8 patay, 8 sugatan matapos madisgrasya ang kanilang sinasakyan na loaded ng malalaking troso sa Zamboanga Del Sur

Dead on the spot ang walong manggagawa habang sugatan ang walo pa matapos na madisgrasya ang kanilang sinasakyang trak sa 1, Barangay Liguac, Pitogo, Zamboanga Del Sur l kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rey Alfornon, 24 anyos; Orlando Sabejon, 44 anyos; Noel Cabellon, 19 anyos; Berlindo Labador, 34 anyos; Edwin Delos Santos, 70 anyos; Marvin Hemang, 30 anyos; Loui Jay Omandam, 34 anyos; at isang 15 anyos na binatilyo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, minamaneho ng isang Leolito Tam, 28 anyos, ang elf truck na may plate number GEM 839 nang magkaroon ng problema sa preno ng sasakyan dahilan ng aksidente.


Sakay nito ang 16 na mga laborers at mga malalaking troso na dumagan pa sa mga namatay na mga manggagawa ng madisgrasya ang kanilang sinasakyan.

Ginagamot na ngayon sa ospital sa Margosatubig, Zamboanga Del Sur ang walong sugatan.

Habang ang truck driver ay boluntaryong sumuko sa Pitogo Municipal Police Station.

Facebook Comments