MGA SERBISYO NG BIR, IHAHATID SA DAGUPAN CITY, NGAYONG ARAW

Mas mapapalapit sa mga residente ng Dagupan City ang mga serbisyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagdating ng programang “BIR Serbisyon Maples”ngayong araw, June 23, 2026.

‎Mas mapadadali at mas mapabibilis nito ang pagkuha ng mahahalagang dokumento at serbisyo ng BIR nang hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa mga tanggapan ng ahensya.

‎Kabilang sa mga serbisyong maaaring ma-avail ng mga mamamayan ang aplikasyon para sa Taxpayer Identification Number (TIN), pagkuha ng Digital TIN ID, business registration, at iba pang transaksyon na may kaugnayan sa BIR.

‎Ayon sa abiso, naaangkop ang aktibidad para sa mga naghahanap ngayon ng trabaho, mga nagbabalak magnegosyo, at mga indibidwal na may kailangang asikasuhin na dokumento sa BIR.

‎Hinihikayat ang mga Dagupeño na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagproseso ng kanilang mga pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments