Murang sibuyas, mabibili na ulit sa Kadiwa Store

Maagang dinumog ang Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City kaninang umaga.

Makakabili na kasi ulit ng murang sibuyas sa kadiwa store sa halagang ₱150 kada kilo.

Ayon sa DA, 12 sako o 30 kilo ng puting sibuyas ang dinala sa Kadiwa Store mula pa sa Nueva Ecija.


Bawat mamimili ay pwedeng bumili ng tig-tatlong kilo ng sibuyas.

Mahigpit namang nakabantay ang mga security guard sa Kadiwa Store para masigurong walang singitan at lahat ay mapagbibigyan.

Samantala, bukod sa sibuyas, mura ring ibinebenta sa Kadiwa Store ang asukal sa halagang ₱70 per kilo habang otso pesos lang ang kada piraso ng itlog.

Facebook Comments