Sunday, August 2, 2026

Barracks sa loob ng compound ng House of Representatives, nasunog

PHOTO COURTESY: BFP-QC

Isang sunog ang sumiklab sa loob mismo ng compound ng House of Representatives sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, umaga ngayong Linggo, August 2.

Ayon kay Quezon City District Fire Marshal Fire Senior Superintendent Roberto Samillano Jr., partikular na nasunog dito ang barracks na gawa sa light materials.

Hiwalay naman aniya ang nasunog na istruktura sa main building ng House of Representatives.

Nagsimula ang sunog na umabot sa unang alarma pasado alas-9:40 ng umaga at mabilis ding naapula ng mga tauhan ng BFP makalipas lamang ang ilang minuto.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.

Facebook Comments