Abandonadong bagahe na naglalaman ng ₱19 million halaga ng hinihinalang shabu, naharang sa NAIA 1

Aabot sa ₱19 million na halaga ng illegal na droga ang naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa Bureau of Customs, ang abandonadong bagahe ay dumating sa bansa sakay ng Philippine Airline (PAL) flight PR-737 mula Bangkok, Thailand.

Natuklasan ang laman ng bagahe nang dumaan ito sa X-ray machine sa NAIA Terminal 1.


Itinago ang 2.8 kilo ng shabu sa mga damit, Bag, at pantalon.

Naiturn-over na ng Bureau of Customs ang iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (NAIA-PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments