Friday, July 17, 2026

Higit 300 bagong Marino, nagtapos ngayong araw

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatapos ng 327 kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Salighirang Class of 2026.

Sa mga nagtapos, 146 ang mula sa College of Marine Transportation at 181 naman ang mula sa College of Marine Engineering.

Itinanghal na class valedictorian si Midshipman 1st Class Mark Owen Trilles ng Camarines Sur, na scholar ng Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, salutatorian naman si Midshipman 1st Class Jansen Bautista ng Taysan, Batangas.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ng pangulo ang mga bagong graduate na ipagpatuloy ang magandang reputasyon ng mga Filipino seafarer na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Marinong Pilipino, lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments