AKTRES NA SI DONITA ROSE, NAG DONATE NG KANIYANG MGA PRELOVED ITEMS PARA SA MGA PANGASINENSE

Muling pinatunayan ng aktres na si Donita Rose ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga kabaleyan dito sa Pangasinan sa kaniyang ng kahon-kahong mga personal preloved items.

Sa muling pagbisita ng aktres sa lalawigan, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na maipakita ang pagmamahal at malasakit, dala ang dalawang naglalakihang boxes ng kaniyang mga preloved items at personal na inihatid ito sa Provincial Capitol sa Lingayen, Pangasinan.

Malugod naman itong tinanggap ng Pangasinan PDRRMO, na magiging bahagi ng relief operations sa panahon ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Si Donita mismo kasama ang kaniyang mga kaibigan sa America ang nag-ayos ng mga ito at ipinadala dito sa Pilipinas.

Ayon sa isang panayam ng iFM Dagupan, bagamat hindi lumaki ang aktres dito sa probinsya ay may mga childhood memories ito kasama ang kaniyang ina sa hometown nito sa Bayambang.

Ang mga personal na kagamitan ni Ms. Donita, ay ala-ala na kaniyang pinanghahawakan upang patuloy na bumalik dito at ipakita ang kaniyang pusong Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments