Abot sa tatlong kilo ng shabu, nasabat ng PNP Drug Enforcement Group sa Quezon City

44

Aabot sa tatlong kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Drugs Enforcement Group sa Pasong Tamo, Quezon city.

Nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng mga suspek na kinilalang sina Jerome Labita at John Lester Lacaba.

Nalambat ang dalawa matapos mabentahan ng shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso ang isang tauhan ng PDEG sa Varsity Lane West, Pasong Tamo.


Tinatayang nasa P20.4 million ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang itim na SUV Toyota Fortuner na gamit ng dalawa bilang transportasyon at dalawang cellphone na gamit nilang makipagtransaksyon sa kanilang mga parokyano.

Facebook Comments