Thursday, September 3, 2026

Liquor Ban sa 100 meter radius ng San Beda Alabang, ipatutupad para sa 2026 Bar Examinations

Magpatutupad ng Liquor Ban ang pamahalaang lungsod sa loob ng 100 meter radius mula sa San Beda College Alabang bilang paghahanda sa maayos at tahimik na pagdaraos ng 2026 Bar Examinations.

Alinsunod sa Executive Order Number 31, Series of 2026, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga itinakdang araw ng pagsusulit ngayong buwan ng Setyembre.

Magsisimula ang ipatutupad na liquor ban mula alas-12:00 ng hatinggabi ng September 5 hanggang alas-10:00 ng gabi ng September 6. Susundan din ito ng kaparehong oras simula September 8, 9, 12, at 13.

Layunin ng lokal na pamahalaan na matiyak ang katahimikan, kaayusan, at pangkalahatang seguridad para sa mga kukuha ng examination sa naturang lungsod.

Facebook Comments