ACTIVE CASES NG COVID-19 SA ISABELA, NANANATILI SA ISA

19
Cauayan City, Isabela- Nag-iisa parin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Health Office as of June 15, 2022.

Ang natitirang isang active case ay mula sa bayan ng San Pablo na kasalukuyang binabantayan ng health authorities.

Kaugnay nito, mula sa 37 na mga bayan at Syudad sa Isabela, 36 na rito ang Covid-19 free.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 69, 125 ang total cumulative cases sa probinsya; 2,258 ang COVID-19 related death at 66, 866 naman ang kabuuang bilang ng nakarekober sa sakit.

Facebook Comments