LGU SAN CARLOS, TULOY-TULOY ANG PAMAMAHAGI NG 10 KILOS NA BIGAS SA MGA PAMILYA

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng 10 kilo ng bigas sa bawat pamilya ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ang kabuhayan, partikular sa mga komunidad na sinalanta ng pagbaha.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na makapagbigay ng karagdagang suporta sa mga pamilya para sa kanilang pangunahing pangangailangan. Saklaw ng distribusyon ang mga pamilya sa 86 na barangay ng San Carlos City.

Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng ikalawang wave ng rice assistance ng lungsod. Nauna nang namahagi ang LGU ng tig-2 kilo ng bigas sa bawat pamilya, bago itinaas sa 10 kilo ang ipinagkakaloob sa kasunod na distribusyon.

Patuloy naman ang pamahalaang lungsod sa pamamahagi ng ayuda sa mga komunidad na nangangailangan ng suporta, partikular sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at iba pang epekto nito sa kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments