14 na distressed OFW mula Lebanon, nakabalik na sa bansa

Nakauwi na sa Pilipinas ang 14 na distressed Overseas Filipino Workers at tatlo nilang dependents mula Lebanon.

Dumating ang grupo nitong Oktubre 2 sa NAIA Terminal 3 sakay ng Qatar Airways flight QR928.

Pagdating sa paliparan, agad silang binigyan ng welfare at medical assistance ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration, katuwang ang MIAA Medical Team.

Patuloy rin silang tutulungan ng OWWA sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang pamilya at sa reintegration sa pamamagitan ng mga Regional Welfare Office.

Kabilang sa maaaring ma-access ng mga umuwing OFW ang iba’t ibang programa at tulong para makapagsimulang muli sa Pilipinas.

Facebook Comments