Friday, June 5, 2026

Custodial Center sa PNP, hindi na angkop para gawing detention facility ng mga high-profile na personalidad

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi na maaaring magsilbing detention facility para sa mga high-profile na personalidad ang custodial facility nito sa Camp Crame sa Quezon City.

Nabatid na humiling ang legal team ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division na ilipat ang kanyang detensyon sa PNP.

Dahil dito, inatasan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang Legal Service na maghanda na ng tugon at paliwanag sa Sandiganbayan kaugnay ng nasabing usapin.

Dagdag pa ni Nartatez, may iba pang custodial facilities na ligtas at mahigpit na nababantayan, at mas komportable para sa mga detainee kumpara sa Custodial Center.

Matatandaang sa PNP Custodial Center pansamantalang idinetine noon sina ex-Sen. at ngayo’y Cong. Leila de Lima, Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apolo Quiboloy, dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at iba pa.

Facebook Comments