Wednesday, September 30, 2026

₱42 daily wake hike sa Central Visayas, hindi sapat at hindi makatarungan

Tinuligsa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang ₱42 na arawang umento sa sahod ng mga mangggagawa sa Region VII dahil hindi sapat, nakaka-insulto at hindi umaayon sa realidad.

Ayon kay House Deputy Speaker at TUCP Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza, parang sinasabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa sa Central Visayas at sa kanilang pamilya na magtiiis sa kakarampot na dagdag sa sweldo habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Sa kaniyang privilege speech sa plenary session ng Kamara ay nagpahayag ng pagkadismaya si Mendoza sa mababang pagtingin ng ating mga economic manager sa mga manggagawang Pilipino habang patuloy silang inilalako sa mga mamumuhunan.

Diin pa ni Mendoza, ang hindi sapat na sweldo ang dahilan kung bakit mga mga bata sa mga mahihirap na pamilya ay bansot at kulang sa nutrisyon kaya hindi nila nakakamit ang kanilang buong potensyal na tiyak may epekto sa husay ng susunod na henerasyon.

Bunsod nito ay iginiit ni Mendoza na dapat maisabatas ang panukalang ₱200 na daily wage hike para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Facebook Comments