
Patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang underwater drone na nakita sa karagatang sakop ng Bohol.
Ayon kay AFP PAO Chief Col. Xerxes Trinidad, lahat ng AFP units and forces partikular na ang Naval Forces Central ay magkakatuwang sa paghahanap ng naturang drone.
Ani Trinidad, mahalagang mapasakamay nila ito para maisailalim sa forensic investigation.
Nananawagan din ang Sandatahang Lakas sa sinumang nakakita o nag-post nito sa social media na agad na makipag-ugnayan sa pinaka malapit na military o naval units upang matiyak ang proper handling at disposition nito.
Matatandaang nag-trending kamakailan sa social media ang isang underwater drone sa Bohol na kulay silver at pula subalit hindi ito kinuha ng mga mangingisda dahil na rin sa takot.