
Hinamon ni Senate President Chiz Escudero ang mga kritiko ng 2025 National Budget na magsampa na lamang ng kaso sa Korte.
Ayon kay Escudero, kumpleto at walang blangko ang General Appropriations Act (GAA) na produkto ng committee report.
Aniya, kung mayroon mang dapat na kwestyunin ang constitutionality, ito ay ang inaprubahan at nilagdaang batas ni Pangulong Bongbong Marcos na GAA at hindi ang bicam report.
Hindi rin aniya enrolled bill ang kinukwestyong bicam report kaya nagtataka si Escudero na ito ay batid dapat ni Ungab na dati ring Appropriations Chairman sa Kamara.
Giit ni Escudero, hindi tama at isang kasinungalingan ang akusasyon na may blangkong item sa pambansang budget dahil kung totoo man ay hindi pwedeng maglabas ng pondo rito ang Department of Budget and Management (DBM) at ikukonsidera itong error.
Duda naman ang Senate President na politika ang motibo sa isyung ito at hindi na siya magugulat kung may iba pang isyung lalabas sa mga susunod na araw.